| « Bibliya Nga Lang Ba? | Natalikod Nga Ba Ang Iglesyang Itinayo Ni Kristo? » |
Ano Ang Ibig Sabihin ng "Katoliko"?
Sa wikang Pilipino'y "Katoliko" ang turing sa mga bininyagan sa tinatawag na "Roman Catholic Church." Dahil dito'y hindi nabibigyan ng pansin na ang "Roman Catholic Church" ay isa lamang sa mga Iglesyang bumubuo ng Iglesya Katolika.
Ang salitang "katholikos" ay panag-uring Griyego na ang kahuluga'y "nakakalat sa kabuuan". Nang tawagin ni Ignacio ng Antioquia* ang Iglesya na "Katolika" ibig niyang sabihin na ang Iglesyang itinatag ng Panginoon ay nakakalat sa buong mundo.
Ang Iglesya Katolika ay binubuo ng mga Iglesya ng Kanluran (ngayo'y tinatawag na Romano) at ng Hilaga (mga Iglesya ito na binibilang sa dalawampu't isa).
______________
*Antioquia ang pook na kung saan ang mga nananampalataya kay Kristo ay tinawag na mga Kristiyano