• main
  • news
  • insights
  • links
  • ulat pinoy
  • kadena
  • magaral_tayo
  • resnostra

Mga Ulat Pinoy

Pagsusuri Ng Isang Katoliko

  • Home
  • Contact
  • Log in

Ang Aklat Ni Ross Tipon Ay Nakalimbag Na!

September 18th, 2005

Link: http://sapientia.blogs.com/mouse_and_keys/2005/09/ross_tipons_boo.html

"The Cult of Manalo: The Power and the Glory". Yan ang titulo ng bagong aklat ni Ross Tipon. 186 pahina, PHP 195.

Posted in Iglesya Ni Kristo

Dapat Bang Itigil Ang Giyera?

September 12th, 2005

Dapat bang itigil ng ADD at ng INC ang kanilang giyera sa TV at radio? Ipaalam ang iyong opinyon dito

Posted in Ang Dating Daan, Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Tungkol Kay Quiboloy

September 1st, 2005

Link: http://blogs.albertesmeralda.com/?p=71

Ito pa ang ilang mga komento tungkol kay Quiboloy.

Posted in Quiboloy

Naka, Tumira Na Naman Ng Sablay Si Ka Eli!

August 27th, 2005

Sa isang forum posting sa Kapihan makikita ito. Ako ma'y nakapanood nang tinutukoy na paliwanag ni Ka Eli tungkol sa Santissima Trinidad. Ang totoo'y hindi binasa ng buo ni Ka Eli ang sinasabi ni Gibbons tungkol sa Banal na Sangtatlo. Ang binasa lang nina Ka Eli ay yaong bumabanggit na "equal" ang Ama, Anak at Banal Na Espiritu. Eh, bakit nga hindi: lahat sila'y Diyos! Ang hindi nila binasa ay ang paliwanag na nagsasabing magkakaiba ang tatlong persona sa kanilang relasyon sa bawa't isa. Sa kanilang RELASYON, ang Ama ay talagang mas dakila kesa Anak.
Mali ang turo ni Ka Eli dahil ito ay KULANG! Sa kanyang pangunawa kasi ay MARAMING Diyos, kung kaya't pwede niyang isipin na may malaking Diyos, medyo maliit na Diyos at mas maliit pang Diyos. Iisa lamang ang Diyos, yan ang itinuturo ng Iglesya Katolika, ngunit ang Diyos ay may magkakaibang PERSONA -- ang Diyos Ama, Anak, at Espirito Santo.

Posted in Ang Dating Daan

Balik Uli Sa Dating Tirahan

August 20th, 2005

Ngayong nakabalik na si Ka Eli at ang kanyang mga kasama sa TV balik din uli sa dating tirahan. Noong mga araw na suspendido ang grupo ng ADD sa TV namayagpag ng husto ang mga ministro ng Iglesya Ni Kristo. Nguni't ngayon na nakabalik na sina Ka Eli, makakasagot na naman itong mga huli sa mga paratang ng mga taga Diliman Central.

Ang isyu: Kamakailan ay nag-issue ang mga taga MTRCB ng isang pahayag sa mga broadcaster ng ADD at INC na kung saan sinabihan silang tumigil na sa kanilang "tirahan sa ere." Maganda sana ang dating ng pahiwatig na iyon, kaya lang ang ADD ay lugi. Bakit nga hindi -- kapag sila ang isinumbong, suspendido kaagad; kapag ang kabila ang isinumbong, walang aksyon mula sa MTRCB. Kagabi'y ipinakita ng mga kagrupo ni Ka Eli kung paanong siniraan sila ng mga broadcaster ng "Ang Tamang Daan" ng Iglesya ni Kristo. Ang nakakatawa ay mukhang magagaling ngang mag-edit ng mga tape ang mga taga INK. Dalawang halimbawa na ang ipinakita ng mga taga UNTV: yung isyu ng "Kung ako ang Presidente" na si Mang Eli daw ang nagsabi at yung sa "trillion, six trillion" na ibinayad daw ng ADD sa TV.

Ang akin lang: dapat ding imbestigahan ang mga ginagawa ng mga INK. Hindi lang dapat sila pinapalo sa kamay, ika nga, kundi ipataw rin sa kanila ang ipinataw ng MTRCB sa grupo ni Ka Eli -- suspensyon.

Posted in Ang Dating Daan, Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Ang Prophecy Ni Quiboloy

July 12th, 2005

Ang Fifth Angel ay may sinulat na ganito sa Mouse and Keys:

Me Prophecy si KILL-BOLOY na magkakaroon daw sila ng Cathedral na 50,000 seating capacity.. matagal ng prophecy ito... palakpakan pa ang mga miyembro ng madinig ito.... pero 2005 na 15 more than ten years na ang nakalipas since na sinabi niya ang prophecy... pero asan ang cathedral na 50,000 seating capacity.... wala naman... ang naitayo ay mansion niya... meron ding prophecy na dadami ang member sa america... pero kumonti ang membership... at ang dumami ay mercedes bens, mga sasakyan, at mga bahay ni quiboloy, pero walang maipakitang simbahan talaga na naitayo... pero meron simbahan, yung bahay na nabili nila, ginawang simbahan... nagtatanong lang. Pastor tutuo ka bang propeta o baka naman pro-daldal ka lang

Marami pang ganitong komento.

Posted in Quiboloy

AM 666 -- Natsambahan Ko Si Ka Eli!

July 11th, 2005

Pagkatapos din naman ng ilang linggo'y natagpuan ko sa radyo si Ka Eli. Natsambahan ko sa AM 666. Ang pagkakarinig ko'y masusundan pa rin siya sa DZRH at DZXL. Nakinig ako mula 11 PM hanggang sa panahong sinusulat ko ito.
Sa dinami-dami ng sinabi ni Ka Eli tungkol sa pananampalatayang Katoliko, ito lamang ang masasabi ko:

Read more »

Posted in Ang Dating Daan, Mga Pagsusuri

Ang Panloloko Ng Iglesya Ni Manalo

June 17th, 2005

Ang Kasinungalingan ay hindi ipinapakitang kasinungalingang. Ito ay ipinapakitang katotohanan, palsipikadong katotohanan :idea:

Kahapo'y napanood ko sa TV sina Ka Michael Sandoval at Ka Bularan. Ang kanilang tema ay ang Kalikasan Ni Kristo. Binatikos nila ang mga turo ni Eli Soriano tungkol sa pagke-Diyos ng Panginoon. Sa "Bible Notes" ay may mga artikulo tungkol sa programang ito ng Iglesya Ni Manalo.

  • The Equivocation of Sandoval and Bularan, part I
  • The Equivocation of Sandoval and Bularan, part II

Posted in Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Ang Pagmamayabang Ng INC

June 15th, 2005

Mula sa GNUKER ay mababasa ang isang blog tungkol sa pagmamayabang ng isang miyembro ng Iglesya Ni Cristo:
Link: Honcho:Misplaced Triumphalism

1. The book of Ross Tipon contains a lot more lies than facts. But the book hasn?t been published yet! How did he know what it contains.
2. He writes about the INC: ?all lies and dirty words are sweet and appealing to them. They give a nod to personal attack and support degrading statements? And they call themselves ?Christians? without exhortation?? But it is the INC who actually drags its detractors to lawcourts! Eli Soriano of the ADD can vouch for that.
3. He writes about the current case against the author of Power and the Glory: ?Surely, keeping the sanctity of God?s words written in the Holy Scriptures and guarding the reputation of our founder and the Church in general are prime duties of the Church administration whatever be the cost.? I don?t know about Holy Scriptures, but this guy is actually saying that the INC was founded by Manalo (not Christ) and that they are willing to do anything to protect their interests. The INC is a ?corporation SOLE?. I really wonder how Ross Tipon is taking all these in. Was that a veiled threat?

Posted in Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

E Di Masaya Na Ang Iglesya Ni Kristo

June 2nd, 2005

Masaya na kasi hindi na makapagsalita sa air waves si Ka Eli. :idea:

Posted in Ang Dating Daan, Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Ang Takot Ng INC

May 24th, 2005

Link: http://sapientia.blogs.com/mouse_and_keys/2005/05/inc_afraid_of_a.html

Bakit takot ang Iglesya Ni Manalo sa aklat ni Ross Tipon? Ang aklat na pinamagatang "Power and the Glory: The Cult of Manalo" ay hindi pa nga naipapalimbag! Ang kwento ay matatagpuan sa Philippine Star ng araw na ito, pahina 7. May kopya ako dito. Ang akin lang naman ay kung talagang naniniwala ang Iglesya ni Kristo na sila ang Iglesyang itinayo sa batong si Pedro, hindi dapat sila matakot. Pero mukha yatang kahit sila ay hindi naniniwala duon. :D

Posted in Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Ang Pangongopya Ni Pastor Quiboloy

May 24th, 2005

Hanggang ngayon, ang mga blogs na madalas basahin sa Mouse and Keys ay yung mga tungkol kay Apollo Quiboloy. May isang nag-comment na nagngangalang NoOneButMe tungkol sa mga doktrina ng "Son-of-God-Sa-Ating-Panahon". Ito ang kanyang tinuran:

Sa katunayan ay walang sariling mensahe si Apollo. Nanghihiram lang siya ng mga mensahe sa mga sikat na mangangaral. Katulad ng "The 4th Dimension" ito'y pangangaral ni Dr. Paul Yonggi Cho. Nabasa ni Apollo ang libro ni Dr. Yonggi Cho at pagkatapos ay ipinangaral niya.. tapos sabi niya revealed message daw sa kanya ng ama.
Yung Kindom message naman niya ay pattern sa interpretasyon ng Jehovahs Witnesses.... kaya maraming reference book yan sa kanyang library na mula sa Jehovahs Witnesses....
Yung doktrina naman niya na magkaron ng bodyguard at ipabaril ang kursunada niyang itumba ay kinopya naman niya sa kaibigan niyang meyor. Yung doktrina niya na bawal manood ng sine... me napalo pa ngang mga worker dahil nanood ng sine...example si Enteng Canada... Sa tutuo lang sila mismo sa AMerika kasama ang mga missionary workers niya ay nanonood ng sine.... duon nga nila sa California napanood ang GLADIATOR na si Russel Crowe ang bida.... Dapat siguro tawagin si Dandy at paluin ng maraming beses si Quiboloy at lahat ng mga worker niya na nanonood ng sine sa California..... at saka nga pala... madalas din sila sa Las Vegas.....

Mapapansing mga fundamentalist sects din ang pinagkukunan ni Quiboloy ng kanyang mga turo. Walang iniba sa ADD at INK.

Posted in Quiboloy

UNTV: Ano Ang Nangyari?

May 23rd, 2005

Ilang araw na akong nag-aabang ng programa nila Ka Eli pero laging off the air ang UNTV. Pati yata yung bago nilang programa sa GMA nawala na rin. Ano ba ang nangyari? Natalo ba si Ka Eli sa kaso niya sa Iglesya ni Kristo?

Posted in Ang Dating Daan, Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Debate Ng INK at ADD Sa Apalit

May 6th, 2005

APALIT, Pampanga - Sumiklab ang karahasan sa hanay ng mga miyembro ng magkalabang grupo ng Iglesia Ni Cristo at ng Ang Dating Daan sa loob ng isang fast- food chain sa bayang ito kung saan marami ang nasaktan.

Ayon sa pulisya, nagpang-abot ang dalawang magkaribal na religous groups sa loob ng isang fast-food chain noong Lunes kung saan nagpatutsadahan muna ang mga miyembro nito at tuluyang nagkagulo nang magkapikunan.

Ayon kay Insp. Ruben Chua, deputy chief ng Apalit Municipal Police Office, nasa kainitan ng paggigirian ang dalawang grupo nang dumating sila sa fast-food chain. [More...]

Wala e; nagpapa-legitimize lang talaga. :crazy:

Posted in Ang Dating Daan, Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Isang EMAIL Tungkol Sa Iglesya Ni Manalo

May 6th, 2005

Isang kaibigang Protestante na nasubukan nang makipag-diskusyon sa mga miyembro ng Iglesya ni Manalo ang nagpadala ng email sa akin. Ang email ay sagot sa isang katanungan ko tungkol sa ugali ng isang poster dito sa aking blogs. Ito ang sipi ng kanyang mensahe.

Read more »

Posted in Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

E Di Tuloy Na Ang Debate ng INK at ADD sa Luneta?

April 28th, 2005

Kanina'y napanoon no si Ka Ramil at Mike Sandoval sa kanilang patuloy na expose' kay Eliseo Soriano at ang grupo nitong Ang Dating Daan. Ipinakita muna nila kung paano ang "estilo" ng mga ADD sa kanilang mga nakakalaban sa debate.

1. Una'y ipinakita nila ang segment tungkol kay Danny Navales na lumaban sa isang babaeng tagapagsalita ng Fourth Watch.
2. Ipinakita rin na may mga ine-schedule na pagtatagpo ang mga INK at ADD (sa Parañaque at Capas, Tarlac) nguni't hindi sumisipot ang mga taga-ADD.
3. Pero ang pinaka-importanteng segment yata ay yung Soriano vs. Quillao ng Fourth Watch na kung saan si Ka Eli mismo ang "tumakbo" at hindi na tinapos ang debate.

Sa programang ito, si Ka Ramil ay nagsabi na payag na ang mga INK ministers na labanan si Ka Eli Soriano sa Luneta. Sa madaling sabi'y ang debate na matagal nang hinihintay ng mga miyembro ng dalawang grupong ito ay makikita na rin natin sa wakas. Siyempre ang talaga namang dahilan para sa pagtatagpo na ito ay ipakita sa mga Pilipino kung aling grupo ang mas magaling sa debate -- yun lang naman talaga ang kahahantungan niyon. :roll:

Posted in Ang Dating Daan, Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Panibagong Panlulusob Ng INK Sa Pulong ng ADD

April 26th, 2005

Kahapon ay ipinakita nina Ka Eli kung papaanong pinasok ng mga INK (kasama dito ay isang ministro na nagpanggap na miyembro lamang) ang isang pulong -- isang Bible Exposition -- ng Ang Dating Daan. Meron pa silang litrato ng ministro ng INK na nag-dirty finger habang ito ay papalabas ng pook ng pulong. Ang naturang ministro ay nagpakilalang "miyembro" ng INK nang siya ay tanungin ni Ka Josel kung ano siya. Siya ay tinawag sa harapan matapos na ang isa niyang kasamang INK ay bigla na lamang sumingit sa mikropono nang tumawag ng isang magtatanong na Muslim. Ang sama nito ay hindi naman talaga siya magtatanong kungdi makikipag-diskusyon, na ikinagalit ni Ka Eli at ng kanyang mga kasama.

Una, hindi ito bago. Meron nang ginawang ganito nuon ang mga taga-INK at ito'y naisulat ko na dito.
Ikalawa, malinaw na naghahanap ng materyales ang mga taga-INK para sa kanilang mga programa sa TV at radyo na kung saan gumagawa sila ng expose' tungkol sa ADD.
Ikatlo, ang bangayang ADD-INK ay magpapatuloy hangga't hindi nagkakaroon ng debate sila Ka Eli at Ka Eraño Manalo. Nais ng dalawang panig na maipakita sa madlang Pilipino kung sino talaga ang may tamang turo.

Ang akin lamang ay ganito: ang relihiyon ay tungkol sa pananampalataya. At ang pananampalatayang ito, ayon kay Pablo, ay dapat na "masigasig sa mga gawa ng pag-ibig." Imbes na mag-ingay na lamang mga INK at ADD, bakit hindi na lamang sila magtulong para sa ikauuunlad ng bansa. Kung ang bangayan ng ADD at INK ay mauuwi lamang sa gulo, sana'y tumigil na sila. Alam naman natin na nagpapa-legitimize lamang sila na mga "Iglesyang Kristiyano." Kung gusto nilang magpa-legitimize magpa-eksamen sila sa World Council of Churches. Kung makakasali sila sa organisasyong ito, baka makilala pa silang "Kristiyano." :idea:

Posted in Ang Dating Daan, Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

Thanksgiving Daw!

April 10th, 2005

May isang ale na ipinakilalang Katoliko daw pero nang malaon ay nahalatang isang tagasunod ni Eliseo Soriano na nagtanong nang ganito: "Bakit sa dinami-dami ng holiday natin sa Pilipinas ay hindi naidagdag ang ating Pasasalamat?"
Nagtataka ang ginang na ang "Pasasalamat" ng ADD ay hindi kasama sa kalendaryo ng mga holiday ng Pilipinas. Ang sagot ni Ka Eli ay ganito. Pagkatapos niyang masiguro na wala sa Pilipinas ng piyesta na tulad ng "Thanksgiving" ng mga Amerikano, kanyang sinabi na dito sa Pilipinas ay nagkatotoo ang mga sinulat ni San Pablo sa Rom 1:21

Sapagkat kahit kilala nila ang Diyos, siya'y hindi nila niluwalhating bilang Diyos ni pinasalamatan kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay nagdilim.

Pagkatapos ay kanyang sinabi na sa Amerika'y may "Thanksgiving" dahil sila'y mga Kristiyano; sa Pilipinas ay wala nito dahil dito ay puro Katoliko.

Kung tutuusin, hindi naman kailangang ikumpara pa ang Pilipinas sa Amerika para lamang ipagpilitang ang "Pasasalamat" ng mga ADD. Wala namang araw ng "Pasasalamat" sa Bibliya na tulad ng ginagawa sa ADD. Ang totoo, ang araw ng "Pasasalamat" sa ADD ay okasyon para makahingi ng mas malaking abuloy sa mga miyembro.

O di ba, Ka Eli? Wala naman sa Bibliya ang "Pasasalamat" niyo.

Posted in Ang Dating Daan, Mga Pagsusuri

Sagot Ko Kay RadzC at Jerry

April 7th, 2005

Dito... punta dito... :D

Posted in Mga Pagsusuri

Sino Nga Ba?

April 6th, 2005

Kaninang hapon ay napanoon ko ang programa ng mga nasa Ang Dating Daan. Sila'y nag-react sa isang patutsada ni Ka Ramil ng Iglesya ni Kristo na kung saan sinabi niyang: "Sino ka ba, Eliseo Soriano? Kahit sa aki'y di ka uubra." Na siyang sinagot naman nina Josel at iba pa: "E sino naman si Eraño Manalo."

Kung tutuusi'y wala nang maaasahan sa dalawang grupong ito kundi ang magbangayan at mag-asaran. Sayang ang "air-time" na maaari sanang magamit sa ibang bagay. E sino nga ba si Eliseo Soriano o Eraño Manalo kung ikukumpara dito?

Posted in Ang Dating Daan, Iglesya Ni Kristo, Mga Pagsusuri

1 2 3 >>
  • September 2010
    Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun
     << <   > >>
        1 2 3 4 5
    6 7 8 9 10 11 12
    13 14 15 16 17 18 19
    20 21 22 23 24 25 26
    27 28 29 30      
  • Mga Ulat Pinoy

  • Ang blog na ito ay isang bagong edisyon ng Mga Ulat Pinoy na matatagpuan sa http://www.angfrayle.net/articles/ulat.html. Dito na lamang ipagpapatuloy nang hindi ako palipat-lipat ng website.

    • Recently
    • Archives
    • Categories
    • Latest comments
  • Search

  • Categories

    • All
    • Ang Dating Daan
    • Iglesya Ni Kristo
    • Mga Pagsusuri
    • Quiboloy
    • Tanikala
    • Ulat Pinoy
  • XML Feeds

    • RSS 2.0: Posts, Comments
    • Atom: Posts, Comments
    What is RSS?
free blog

©2010 by Alberto Esmeralda y Lopez | Contact | Design by Michael | Credits: blog software | web hosting | monetize